correspondent
投放时间: 2025-01-08 08:00:00
𝗧𝗨𝗠𝗜𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡𝗧𝗜𝗔𝗚𝗢, 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗗𝗦𝗔
Labis na nagrereklamo ang mga residente ng Lungsod ng Santiago dahil sa tila walang solusyon sa tumitinding trapik sa kanilang lugar. Sa kawalan ng traffic lights at maayos na pamamahala, ikinukumpara na ng ilan ang sitwasyon sa Santiago sa notorious na trapiko ng EDSA sa Metro Manila.
Ayon sa mga residente, isa sa mga pangunahing sanhi ng trapik ay ang kawalan ng traffic lights sa mga pangunahing interseksyon ng lungsod. “Hindi kami makapaniwala na sa modernong panahon ngayon, wala pa ring traffic lights sa Santiago. Para na talagang EDSA dito kapag rush hour – puro bara, puro usad-pagong,” sabi ng isang netizen.
Reklamo rin nila ang kakulangan ng mga traffic enforcers mula sa DPOS. Ayon sa kanila, darating lamang ang mga kawani kapag nagkabuhol-buhol na ang trapiko. “Hindi ba dapat nakaantabay na sila bago pa magsimula ang rush hour? Bakit laging huli ang galaw nila?” dagdag pa ng isang commuter.
Dagdag pa ng mga residente, mas lalo silang nangangamba na lumala pa ang sitwasyon kapag nagbukas na ang dalawang bagong mall sa lungsod. “Kung ngayon pa lang halos hindi na makagalaw ang mga sasakyan, paano pa kaya sa susunod? Mukhang hindi handa ang pamunuan ni Mayor Sheena Tan sa ganitong problema,” ani ng isang tricycle driver.
Nanawagan ang mga residente kay Mayor Tan na magpatupad ng konkretong solusyon, tulad ng paglalagay ng traffic lights sa mga pangunahing kalsada at pagdagdag ng mga traffic enforcer na nakaantabay bago pa magkaipitan sa daan. “Mukhang nakakalimutan nila na kami ang naaapektuhan araw-araw. Wala silang ginagawa para mapagaan ang kalbaryo namin sa kalsada,”.
- Pao Reyes | News Correspondent
搜索关键词 Santiago traffic, city traffic, EDSA comparison, traffic lights, local government, mayor Sheena Tan, traffic solutions, resident complaints, traffic enforcers, public transportation优势 Highlights a real-world problem,Raises awareness of traffic issues
展示估值
209536
热度
17106
最新发现时间
2025-01-08 08:00:00
投放天数
210
素材信息
素材类型
素材尺寸
主页ID8289873642117753597
主页名字Boses ng Santiagueño
产品信息
适用范围
人民币汇率走势
CNY
关注我们

新媒网跨境发布
本站原创内容版权归作者及NMedia共同所有,未经许可,禁止以任何形式转载。