cooperation
Sa dokumentong may petsang Hunyo 23, mariing itinanggi ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ICC Prosecution kaugnay kung saang bansa mananatili si Digong sakaling pagkalooban siya ng interim release.
Nilinaw ng prosekusyon na inilahad ang mga kondisyon para sa interim release ni Duterte sa pagkakaintindi na mangyayari ito sa ibang bansa, hindi sa bansang pinili ng huli.
“The Conditions was based exclusively on the express understanding that Mr. Duterte’s potential interim release, if granted by the Chamber, would take place in [REDACTED], not [REDACTED] as the Defence seems to suggest,” saad pa ng prosekusyon.
Hindi rin sang-ayon ang ICC Prosecution sa bansang pinili ni Duterte para sa kanyang interim release dahil wala umano itong “same extensive history of cooperation with the Court.”
#PilipinasToday
#RodrigoDuterte
#OplanTokhang
#Duterte #ICC
#EJK #WarOnDrugs
#Digong #NicholasKaufman