Exclusive particularly
Bigay-todong ipinagmamalaki ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kahalagahan ng Talampas ng Pilipinas—dating Benham Rise—bilang lumalawak na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas na sagana sa iba’t ibang likas na yaman.
Ayon sa abogadong senador, chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, ang Talampas ng Pilipinas ay patuloy na umaangat mula sa ilalim ng karagatan ng bansa, at sa paglipas ng panahon ay maaaring maging kasing lawak ng Luzon.
Bahagi ang Talampas ng Pilipinas ng probisyon ng makasaysayang Philippine Maritime Zones Law (Republic Act No. 12064), na kinikilala hindi lamang ang West Philippine Sea kundi pati ang silangang bahagi ng bansa bilang sakop ng soberanya at karapatan ng Pilipinas sa yaman ng karagatan.
Dagdag pa ni Senator Tol, bukod sa potensiyal nitong dagdag-lupa para sa bansa, mayaman din ang Talampas ng Pilipinas sa gas, langis, at iba pang mineral, na maaaring makatulong sa pagkamit ng enerhiya at kaunlarang pangkabuhayan para sa mga susunod na henerasyon.
“The Philippines must move to secure untapped energy resources lying within its exclusive economic zone (EEZ), particularly the Talampas ng Pilipinas,” panawagan pa ni Senator Tol sa publiko.
#PilipinasToday
#FrancisTolentino
#TOL
#PilipinasTodayBatangas