impunity
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, overall chairman ng Quad Comm, nilabag umano nina dating pangulong Rodrigo Duterte at Senators Ronald dela Rosa at Bong Go ang Republic 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide and Other Crimes Against Humanity.
Bukod sa tatlong magkakaalyado, kinasuhan din ang mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na sina Oscar Albayalde at Debold Sinas, sina retired police colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo, at dating Palace assistant na si Irmina “Muking” Espino.
Iniimbestigahan ng Quad Comm ang mga pagkamatay na iniuugnay sa anti-drugs campaign at sa mga krimeng may kaugnayan sa operasyon ng Philippine offshore gaming operators (POGOs).
“The investigation brought to light a harrowing narrative of abuse of power and institutional impunity during the Duterte administration. Witness testimonies corroborated by evidence revealed a system that incentivized the killing of suspected drug personalities: a system modeled after the so-called Davao template and replicated nationwide,” sabi ni Barbers.
#PilipinasToday
#BatoDelaRosa
#BongGo
#PeoplesTonight