convict
‘HOPELESS NA ‘YAN’
Pinangalanan ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa isang panayam ng DZMM Teleradyo ngayong Lunes, Hunyo 16, ang limang kasalukuyang mga senador na umano’y “Duterte senators” kaugnay sa sensitibong isyu ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Gayunpaman, umaasa si Trillanes na bagaman may mga hukom na umano’y nagpapakita na ng kanilang papanigan sa paglilitis kay VP Sara ay mayroon umanong Senator-judges na gagamiting batayan ang ebidensya sa pagdedesisyon sa pag-convict sa Bise Presidente.
“Kaya ang mga ebidensya na ilalabas dito sa korte ay para doon pa sa disinuwebe (19) na senador na umaasa tayo may konting puwang pa, para sa katotohanan,” saad ng dating senador.
“Kasi ako po, I am very confident na pagka lumabas po ‘yung ebidensya, mapanood nung mga kababayan natin sa trial, sila ay mamumulat at ‘pag namulat ‘yung taumbayan, sila na rin po ang mag-iimpluwensya doon sa mga senador na bukas pa ang pag-iisip,” dagdag pa niya.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
#Impeachment
#ImpeachSara
#ImpeachSaraNow
#ConvictSara
#BatoDelaRosa
#RodanteMarcoleta
#ImeeMarcos
#RobinPadilla
#BongGo
#SonnyTrillanes