semblance
Sa isang esklusibong panayam ng Philippine Daily Inquirer nitong Martes, Hunyo 17, sinabi ni dating Senate President at ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na naniniwala siya na ayaw umano harapin ni Vice President Sara Duterte ang kanyang impeachment trial.
Ito ay kaugnay sa mga nangyayari sa impeachment proceedings ni VP Sara na inilarawan ni Enrile na umano’y may maliwanag na intensyon na hindi ito matuloy.
“I’m sorry to say this, but even I was a little bit taken [aback] by the events that transpired. It was very evident that there is a desire to prevent the trial from going through,” ani Enrile.
Aniya, maaaring nagkaroon ng maling pagkakaintindi ang mga senador sa pag-interpret nila sa probisyon ng Konstitusyon kaugnay sa impeachment dahil nakasaad doon na kapag inihain na sa Senado ang impeachment complaint ay wala nang ibang dapat gawin ang huli kundi “to hear, to try, and decide it.”
“Once it is within the jurisdiction of the Senate, it has to discharge its duty to judge the case. It’s sui generis,” dagdag ng dating Senate President.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Impeachment
#ImpeachSara
#ImpeachSaraNow
#ConvictSara
#JuanPonceEnrile