convict
“Very tiring” kung ilarawan ni Atty. Christian Monsod, isa sa mga bumuo ng 1987 Constitution, ang mga halatado na umanong “tactics” ng Senado upang pagmukhaing kumplikado—na magbubunsod ng lalo pang pagkaka-delay—ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Nag-react si Monsod nitong Hunyo 17 sa ipinalulutang ng Senado na kailangan pa umanong ilathala ng Kamara ang pagse-certify nito sa sariling resolusyon para pagtibayin ang legalidad ng Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente.
Nanindigan si Monsod na hindi na kailangan ito, kasabay ng mungkahi na hayaan na lamang ng Senado na magtuluy-tuloy ang impeachment process para malaman na kaagad ng publiko kung ia-acquit ba o iko-convict si VP Sara.
Giit ni Monsod, ginagawa na lang ng Senado na kumplikado ang “not a difficult process” ng impeachment, na “very clear” naman umanong iniaatas ng 1987 Constitution.
#PilipinasToday
#VPSaraDuterte
#SaraDuterte
#Duterte
#Impeachment
#ImpeachSara
#ImpeachSaraNow
#ConvictSara
#ChizEscudero
#ChristianMonsod