displaced
Para kay House Speaker Martin Romualdez, isang napakagandang balita at positibong development ang pagkaunti ng bilang ng mga unemployed sa bansa, nagpapahiwatig na epektibo ang pagpapasigla ng gobyerno sa ekonomiya upang makalikha ng maraming trabaho para sa Pilipino.
Ayon sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng 3.2 porsiyento ang unemployment rate sa bansa noong Nobyembre 2024 mula sa 3.9 porsiyento ng sinusundang buwan ng Oktubre, o katumbas ng 1.66 milyon.
Bumaba rin ang underemployment rate sa 10.8 porsiyento noong Nobyembre, mula sa 12.6 porsiyento noong Oktubre.
Payo ni Speaker Romualdez sa mga hindi pa nakakahanap ng trabaho, maaaring sumailalim sa training sa mga kursong iniaalok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Maaari ring mag-antabay ng mga jobs fair at livelihood training na inilulunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE), habang pupuwede ring mag-avail ng temporary employment na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) mula pa rin sa kagawaran.
May financial assistance ring alok para sa minimum-wage earners, ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP); at para sa mahihirap, ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), mula naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
#PilipinasToday
#MartinRomualdez
#Duterte