ligament
KAI SOTTO, POSIBLENG 'DI MAKALARO SA FIBA ASIA CUP QUALIFIERS DAHIL SA ACL INJURY!
Nagkaroon ng anterior cruciate ligament o ACL sa laro nito sa Mikawa sa Japan B. League kontra sa Koshigaya si Gilas Pilipinas player Kai Sotto nitong nakaraang linggo lamang.
Aabot umano ng ilang buwan para sa pagpapagaling ng injury nito at may posibilidad na hindi makalaro para sa Gilas Pilipinas sa third and final window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero.
Kinumpirma ni Kai Sotto ang pinsala sa kaniyang tuhod sa pamamagitan ng kaniyang instagram post nitong Miyerkules.
The worst way to start the year, might be the darkest day of my basketball career, when I was told I tore my ACL," ani Sotto. "Tough to let this one sink in," saad nito sa post.
Bukod dito, hindi rin makakalaro si Sotto sa B. League Asia rising Star Games sa January 18.
#GilasMetroBalita